Alam natin at pinapaalala sa atin palagi ng ating mga magulang na ang pagaaral lamang ang tanging maipamamana nila sa-atin kapag sila ay wala na, dahil ang edukasyon ay isa lang sa magiging sandata natin sa ating kinabukasan upang makahanap ng magandang trabaho o makapag-negosyo, pero usap usapan ngayon ang sampung pang-mayaman at talagang nakakalulang iskwelahan na may napakataas na tuition fee na halos pwede ka nang bumili ng bagong bahay o sasakyan.
Huwag kayong mabibigla sa napaka-taas na tuition fee sa bawat paaralan okay?
10. De La Salle Santiago Zobel School
1978 noong iyinayo ang paaralang ito na located sa isang pang-mayamang village sa Alabang.
Ayon sa aming source, ang tuition fee raw sa napaka-rangyang eskwelahang ito ay hindi bababa sa tumataginting na 100,000 pesos na nag o-offer ng pre-school, elementary, highschool at syempre college, mayroon din silang TESDA Courses na talaga namang papatok para sa mga gustong mag automotive, computer services at syempre ang cooking.
9. Colegio San Agustin Makati
Ang Colegio San Agustin (CSA) Makati ay pinamamahalaan ng mga Paring taga-sunod ni San Agustin ito ay nasa Makati at ang iskwelahang ito ay Co-Ed. Nakatoon ang paaralang ito sa arts at sports o sa pagpapahusay ng mga talento ng mga estudyante at ang tuition fee sa magarbong paaralang ito ay tumataginting lang naman na 107,000 pesos at hindi pa kasama ang iba pang mga bayarin.
8. Ateneo de Manila University
Ateneo de Manila University ang Paaralan namang ito ay isa rin sa sikat na sikat at tanyag ang namamahala naman dito ay ang mga pring Heswita, 1952 noong inilipat ito sa Loyola Heights sa Katipunan Avenue ang tutition fee rito ay tumataginting lang naman na 130,000 pesos ang bawat taon para sa mga gustong mag-aral dito at take note, hindi pa kasama ang ibang bayarin dito.
7. Xavier School
Paring Heswita rin ang nagpapa-takbo sa eskwelahang ito, ngunit iba ito sa mga naunang paaralan dahil puro lalake lamang ang pwedeng mag-aral sa paaralang ito, sa greenhills na inilipat ang paaralang ito noong 1960. Ang tuition fee naman dito ay 170,000 pesos lang naman sa loob ng isang taon.
6. La Salle Green Hills
1959 itinayo ang paaralang ito na located sa Ortigas Ave Mandaluyong ang La Salle Green Hills. Ang tuition fee sa isang taon ay 103,000 pesos ngunit Highschool lamang ito at hindi pa kasama ang iba pang mga bayarin.
5. Reedley International School
Matatagpuan naman ito sa Pasig City Reedley International School ang tuition fee naman dito kada taon ay tumataginting na 170,000 pesos at take note, hindi pa kasama ang iba pang mga bayarin dito.
4. Southville International School and Colleges
Southville International School and Colleges na itinayo noong 1990 sa Manila ito nakatayo isa sa mga sikat na sikat na paaralan sa Manila, pero take note ang tuition fee ng gradeschool pa lang ay nagkakahalaga ng 200,000 kung tutuusin ay mas mataas pa ang tuition fee ng highschool.
3. The British School Manila
1976 naman itinatag ang paaralang ito, ang The British School Manila ay isang international school sa Bonifacio Global City naman makikita ang paaralang ito ang grade 10-11 tuition fee ay nagkakahalaga lang naman ng 400,700 pesos lang naman kada taon!
2. International School Manila
Ang International School Manila ay makikita sa BGC o Bonifacio Global City isa itong Private school preschool hanggang grade 12. 450,600 pesos lang naman ang tuition fee dito.
1. Brent International School
International School din ang Brent International School kasama nito ang Episcopal Church ng Pilipinas ang tuition fee lang naman ng grade 9-12 dito kada taon ay tumataginting na 402,000 pesos.