Barbie Imperial nangangamba sa kanyang pamilya na binagyo sa Albay

 



Walang pagsidlan ang pag aalala ni Barbie Imperial sa kanyang pamilya na naiwan sa Albay.



Matatandaang ang Albay ang pinaka niragasa ng pinakamalakas na bagyo sa buong mundo ngayon 2020, ang bagyong Rolly.



Noong ika 1 ng Nobyembre ay naranasan nga ng Bicol Region ang lupit ng bagyong Rolly. Tila isang delubyo ang naranasan ng mga taga rito noong rumaragasa ang bagyong Rolly.


Matapos ang ilang oras na malakas na ulan at hangin, marami sa mga imprastraktura ang nasira. Marami rin ang na-upload na larawan sa social media ng kalunos lunos na sinapic ng rehiyon.



May mga larawan din kung saan binaha ang paanan ng Bulkang Mayon. Maraming walang mga katawan na wala ng buhay ang inanod na rin ng rumaragasang baha.




Sa mga larawang ito masasabi natin na kalunos lunos ang sinapit ng ating kapwa Pilipino ng mga oras na iyon.


Mas matindi pa ang mararamdamn natin kung kapamilya o malalapit sa puso natin ang nasa ganoong sitwasyon.



Ito ang pinadaraanan ng sikat na aktres na si Barbie Imperial ngayon. Matatandaang si Barbie ay nagmula sa Albay, Bicol.


Matatandaang sya ang tinaguriang "Doll along the Riles ng Albay" nung siya ay sumali sa sikat na reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother.


Habang ginaganap ang promotion ng kanyang  iWant TFC digital series, naibahagi ni Barbie ang kanyang pinadadaanan sa ngayon.



"I think the most challenging was mahiwalay ka sa pamilya mo. Ang hirap talaga mahiwalay sa pamilya ngayon." Ito nalang ang nasabi nya habang pinaguusapan ang pandemic at ang bagyong dumaan.




"And lalo ngayon bumabagyo ngayon. Until now ay bumabagyo so until now iyon yung biggest challenge sa akin, kasi I have family left in Albay and Catanduanes. It's been three days wlaa parin kaming balita sa kanila. Yung buong Birac, Catanduanes sobrang washed out talaga ang maraming namatay so iyun yung challenge for me being away form family" dag dag pa niya.



Sa ngayon nangangalap na ang pamahalaan ng donation para sa mga naapektuhan ng bagyong Rolly sa Bicol Region.


Anong masasabi mo sa balitang ito? I-comment mo sa baba ang iyong reaksyon.