Isang ina na tindera sa palengke nakapagpatapos ng anak na doktor



Viral ngayon sa social media ang post ng bagong pasang doktor sa Physician Licensure Examination.

Labis labis ang pasasalamat ng bagong pasang doktor sa kanyang ina dahil sa lahat ng sakripisyo na ginawa nito para sa kanya, lalong lalo na nung mga panahong nagaaral pa lamang ito.



Saad niya "Sa tatlompu’t isang taon, Hindi nya ako iniwan, hindi nya ako binitawan, lahat kinaya ni Mama para sa akin. Siya ang inspirasyon ko, siya yung malaking bahagi na humubog sa pagkatao ko, sya yung nagsilbing sandigan ko sa lahat ng oras. Siya yung naging gabay ko."

"Kasamang sumigaw, tumalon, at umiyak nung nalaman kong pasado At lisensyadong Doktor na ako." dagdag pa ni Ronquillo.


Nais ng bagong pasang doktor na suklian ang lahat ng paghihirap ng kanyang pinakamamahala na ina lalo na ngayon na ang kanilang panagrap ay natupad na.





"Ngayon bawat Siya Ay papalitan ko ng Ako. Ma, ako naman po Ang bahala sa inyo."
Masayang sabi ni Ronquillo.

Sinabi niya na naalala nya ang mga panahaon na kinailangan pa ng kanyang ina na mangutang upang matustusan ang lahat ng kanyang pangangailangan na ngayon ay hindi na umano mangyayari dahil sa tagumpay na tinatamasa nila ngayon.


"Ako na po ang magtataguyod sa iyo, Ako na po ang magsisilbi sayo, ako na po ang magaalaga sa inyo, ako na po ang magbibigay katuparan sa lahat ng pangarap mo para sa atin. Hindi mo po na kailangang mangutang, Hindi na rin masusugatan Ang mga kamay mo, Ma, Hindi na mawawala Ang mga ngiti sa labi mo." Paliwanag pa niya



Narito ang kanyang madamdaming post para sa ina


Mama, alay ko po sa iyo ang tagumpay na Ito.

Sa buong apat na araw ng board exam, kasabay ko syang gumising, kasama ko syang pumunta ng testing center, naghihintay sya sa labas At nagdarasal habang nageexam ako, kasamang nagrereview At gumigising sa akin nung mga oras bumibigay na ako sa antok.

Kasamang sumigaw, tumalon, at umiyak nung nalaman kong pasado At lisensyadong Doktor na ako.

Sa tatlompu’t isang taon, Hindi nya ako iniwan, hindi nya ako binitawan, lahat kinaya ni Mama para sa akin. Siya ang inspirasyon ko, siya yung malaking bahagi na humubog sa pagkatao ko, sya yung nagsilbing sandigan ko sa lahat ng oras. Siya yung naging gabay ko.

Ngayon bawat Siya Ay papalitan ko ng Ako.


Ma, ako naman po Ang bahala sa inyo.
Ako na po ang magtataguyod sa iyo, Ako na po ang magsisilbi sayo, ako na po ang magaalaga sa inyo, ako na po ang magbibigay katuparan sa lahat ng pangarap mo para sa atin.

Hindi mo po na kailangang mangutang, Hindi na rin masusugatan Ang mga kamay mo, Ma, Hindi na mawawala Ang mga ngiti sa labi mo.

Ito na po yung pangarap mo para sa akin. Ito na po yung simula ng mas marami pang magandang bagay na mangyayari sa buhay natin.

Panalo tayo Ma. Ngiting Tagumpay tayo.
To God be the Glory! —John Nico Ronquillo




Anong masasabi mo sa balitang ito? Na inspired kaba sa kwento ng ating bagong doktor? Maari mong i-comment sa ibaba ang iyong reaksyon.