Isang restaurant nanaman ang nabiktima ng isang lalaki kung saan nag order ito ng maraming pagkain. Kung kailan naluto at nai-deliver na ang pagkaian ay saka nito sinabing i-cacancel na umano ang kayang order.
Nito lamang mga nakaraan na buwan, ibinahagi ng restaurant na 'Cha Cha Special Binalot sa Dahon' sa San pedro, Laguna ang nangyari sa pag-cancel ng isang vlogger sa order nito. Sinabi nitong mas gusto na daw nilang kainin ay pansit canton na lamang.
Ito ay matapos makatanggap ng order ang restaurant sa isang nagngangalang Reynan Gañete. Umorder ng pagkain ang nasabing lalaki na nagkakahalaga ng Php.1,061. Ang pagkain ay para umano sa kanilang hapunan.
Sinabi pa nitong ihatid ang mga pagakain ng bandang 7 ng gabi hanggang 8 ng gabi.
Kahit umano pasara na ang kanilang tindahan ay hinabol nilang lutuain upang maideliver ito sa oras na hiniling ng naturang kostumer.
Bago pa man pumatak ang alas 7 ng gabi ay handa na umano ang order nito kung kaya't sinabi na nya si Gañete na parating na ang mga inorder nito.
Ngunit sinabi nito bigla na ika-cancel na nya ang kanyang mga order ng walang pag aalinlangan. Dahil nagbago umano ang isip ng kanyang mga pinsan at pansit canton na lamang ang gusto nitong kainin.
"cancel na po!"
"magpancit canton nalang kami"
"next time nalang muna ha"
"e ayaw na po ng mga pinsan ko, canton nalang daw. pabago bago isip e"
"nextime nalang pass muna"
"paki sabi po sa rider na cancel na at magpancit canton nalang po kami"
Kahit sabihin at ipaliwanag ng may-ari na papunta na ang rider ay nagpupumilit parin umano ito na icancel na ang kanyang order at parang wala syang pakialam sa mga naghirap para i-deliver ang kanyang order.
Ang mas matindi pa rito ay mukhang mali pa ang address na binigay nito sa kanilang rider.
Sinabi naman ng may ari ng restaurant na sana ay hindi daw sakanila ito ginawa at naawa daw sana sya sa ginawa nitong panloloko dahil naghahanap buhay lang umano sila.
Ngunit sumagot na tila pilosopo ang nag order at sinabing sila rin daw ay naghahanapbuhay lang din.
"It's a prank! para po sa blog namin hehe"
"i-shout out ko kayo sa blog ko, thank you di kayo pikon"
"i-dinner nyo nalang po order ko"
Sa kabila ng pakiusap ng may-ari ay hindi arin binayaran ng naturang vlogger ang inorder nito at tila masaya pa ito sa kanayng nagawa.
Ibinahagi rin ng maya ari ng restaurant na naabutan pa umano ng ulan ang kanilang rider ngunit ito lang pala ang sasabitin. nagsalita naman si Gañete na hindi naman daw umulan kaya hindi ito mababasa.
Dahil dito ay napilitang i-post ng may ari ang naturang usapan nila ng vlogger na ito. Io ay upang magsilbing babala sa kapwa nya may mga negosyo rin.
Ayon sa kanyang post.
"Sa lahat ng nangyayari sa atin may ganito pa palang tao... pa close na kami hinabol pa namin yung order nya kasi baka need tlaga nila ng dinner. Sabi din ng rider namin, na sayang daw yan at i-last order na namin kahit medyo maabon ihahatid daw nya"
"hindi na naawa sa mga naghahanap buhay, kahit sa rider na gustong ihatid ang pagkaian nya. Si Lord na bahala sayo!"
Anong masasabi mo sa balitang ito? May kakilala kaba na biktima rin ng ganitong panloloko? I-comment mo sa baba.