Lahat tayo ay nagiisip ng paraan kung panno makakatulong sa mga nasalanta ng mga nagdaang bagy0. Dahil likas na sa atin ang pagtulong kahit maliit na bagay ay nakakapgbigay o nagkakapag abot tayo sa mga nangangailangan.
Mababalitaang marami sa atin ang labis talaga ang pag tulong. Nangunguna na riyan ang gobyerno at mga sikat na personalidad lalo na sa lugar kung saan labis na nasalanta at naapektuhan ng bagy0ng Ulysses ang Marikina at Rizal.
Ngunit kahit simpleng mamamayan ay pinipilit parin makapagbigay upang makatulong kahit na pinaglumaang damit o konting relief goods ay nag aabot sila.
Ngunit may kumakalat ngayon na larawan na may ilan na dinonate na damit sa Rizal ay itinapon lamang sa tabi ng ilog. Ito ay in-upload ng isang netizen na nagngangalang Sidney Batino.
Ayon a nagpost sana raw ay humanap nalang ng mas deserving bigyan ng donasyon at tulong at hindi sa ganito na tinatapon lang.