Dahil sa pagiging abala ng mga magulang dahil sa kani-kanilang mga trabaho ay hinayaan na nito ang kanilang 2-anyos na anak na gumamit ng cellphone.
Hindi nagtagal ay may napapansin na umano ang mga magulang ng bata na hindi maganda sa kalusugan ng nito. Ngunit hindi agad nila nalaman na ang sanhi pala nito ay ang labis na paggamit nito ng budget.
Sa edad na dalawang taon ay kinailangan ng gumamit ng bata ng salamain sa mata o eyeglasses. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay bigla na lamang hindi makakita ang bata. Kinailangan siyang itakbo sa ospital upang matignan ng mga espesyalista at maisalba ang kanyang paningin.
“Nawa'y ang nangyari sa ama at sa anak niya magsilbing aral na wag basta-bastang hayaan ang bata sa cellphone.” Panawagan ng Showbiz at Political news site na KAMI.COM.
ANG PAYO NG MGA EKSPERTO.
Batay sa pagsusuri ng Pediatrician at Health Communications Expert na si Dr. Katrina Florcruz, MD, DPPS, ang LABIS na panonood ng Telebisyon at paggamit ng gadgets tulad ng computer, tablet, at cellphone ay lubos na hindi maganda sa mga mata ng bata.
Ayon sa mga doktor, posible itong magdulot ng mga sumusunod:
1. EYE FATIGUE (PAGKAPAGOD NG MATA)
Napapagod ang mga muscles ng mata kapag matagal nakatitig sa screen ng gadgets. Maaari din ito magdulot ng headache.
2. PANLALABO NG MATA
Kapag matagal naka-focus ang mga mata sa gadgets, pwedeng humantong sa paglabo ng mga mata o kaya ay near-sightedness.
3. DRY EYES (pagkatuyo ng mata)
Ang mga bata na gumagamit ng gadgets ay mas madalang kumurap kung kaya’t natutuyo ang kanilang mga mata. Ilan sa symptomas ng “Dry Eyes” ay madalas na pagkurap (tuwing hindi gumagamit ng gadgets), pamumula ng mata, at pagkasilaw sa liwanag.
Malubha rin umano ang epekto ng kakulangan ng mga outdoor activities lalo pa kung expose ang bata sa radiation na naibibigay ng mga gadgets na ginagamit nila.
Sa mga pag aaral, tinatayang nasa may limang Bilyong katao ang may ‘myopic’ o ‘short – sighted’ pagdating ng taong 2050, samantalang nasa 1 bilyon naman ang may posibilidad na mabulag dahil sa labis at walang limit na pagkakalantad sa TV at cellphone.
Paliwanag ni Sumrana Yasmin, Director of South East Asia and Eastern Mediterranean Region Institute. Lubis na dumarami ang bilang ng mga kabataan na hindi na lumalabas ng bahay maglaro o mag ehersisyo samas pinagtutuunan umano ng mga ito ang gumamit ng gadgets at manuod ng telebisyon.
Ito ang dahilan ng maagang pagkalabo ng mata ng mga kabataan. Mas lalo pa itong lumalala sa paglipas ng panahon.
Kung kayat hinihimok ng mga eksperto ang mga magulang na kumbisihin ang kanilang mga anak na maglaro at lumabas upang mag-ehersisyo.
Basahin ang reaksyon ng mga netizens sa ibaba.
Anong masasabi ninyo sa balitang ito? I-comment sa ibaba ang iyong reaksyon.