Coleen Garcia-Crawford, matapang na ibinahagi ang kanyang 'Home Water Birth' journey


 

Pormal ng ibinahagi ng mag asawang Coleen Garcia - Crawford at Billy Crawford ang kanilang naging karanasan noong pinanganak ang anak na si Amari.

Matatandaang nanganak si Coleen sa pamamagitan ng 'Home Water Birth'. Ito ay panganganak ng walang anestisya habang nasa maliit na pool ang babaeng manganganak. Labis labis ang sak!t na maaring maranasan ng babae habang nagle-labor kung kayat napakatapang ng mga gumagawa ng ganitong klaseng panganganak.

Pinili ni Coleen ang ganitong istilo ng panganganak dahil sa takot sa V!rus at mas ligtas umanong nasa bahay lamang sila ng kanilang pamilya.


Nanganak si Colen noong September 10, matapos ang tatlong buwan ay ngayon lamang nila naibahagi ang videong ito.

Sa pinaka bagong vlog ng mag asawa na pinamagatang 'My Home Water Birth'. Ibinahagi ng mag asawa ang hirap na kanilang dinanas habang nagle-labor si Coleen.



Makikita sa video na todo ang suporta ng asawang si Billy habang hindi maganda ang pakiramdam ng asawa nito.




Nariyang hinihilot at minasamase ni Billiy ang kanyang asawa upang kahit papaano ay maibsan ang sakit at pagh!hirap na nararamdaman nito.







Hindi rin naman nagtagal ay lumabas na ang anak na si Amari at matagumpay itong nagawa dahil sa tulong ng mga eksperto sa water birth at ganun narin ng kanilang pamilya na kasama nila.





Saad ng mag asawa, nagpapasalamat sila sa kanilang anak na si Amari dahil mayroon na silang anghel sa kanilang buhay. Sinabi rin nila na lagi lamang silang nariyan para sa kanilang ama na si Amari.

"Mommy and daddy love you so much and we will do everything in our power through Gods grace to mold to build a beautiful and amazing future for you" Saad ni Billy.





"And now we just couldn't ask for more. We're so so blessed to have you" Dagdag naman ni Coleen.



Talaga namang kahanga kahanga ang pinakitang katapangan ng mag asawang ito lalong lalo na si Coleen na talaga namang naging  matapang sa kanyang panganganak.






Nawa'y maging ehemplo kayo ng ibang mag asawang nagsisimula pa lamang. Binabati namin kayo!


Narito ang kabuuan ng video.