Hindi maitatanggi na marami ng kontrobersyang kinasangkutan itong si Andrew Luis Lapid o mas kilala bilang Buknoy Glamurr lalong lalo na sa LGBTQ community.
Nagsimula ito noong June 5, ng pagtawanan niya sa kanyang vlog at maliitin ang isang tricycle driver. Ang nasabing vlog ay in-upload niya sa kanyang youtube channel.
Maraming netizens ang nagalit at nadisappoint sa ginawa at sinabi nyang hindi maganda sa tricycle driver.
ad3
Ang mga sinabi niya tungkol sa tricycle driver ay nagmarka sa sa isip ng mga netizens kaya nanatiling negatibo ang pag tingin sa kanya online.
Sa isang video na ibinahagi niya noon sa twitter, naglalakad siya sa gitna ng lansangan at gabing gabi na kasama ang kanyang mga kaibigan. Ito ay habang mahigpit ang community quarantine at menor de edad pa ang vlogger na si Buknoy.
Naging maingay muli ang panagalan ni Buknoy dahil dito at naging top trending topic siya sa twitter Philippines.
At nitong nakaraang araw lang ay nagtrending nanaman siya.
Ito ay matapos kumalat ang kanya video online. Makikita sa video na sumasayaw ang vlogger sa tollgate,. Nirerecord nya ito gamit ang kanyang cellphone na nakababa sa kanilang sasakyan.
Nagpamalas pa ng ibat ibang dance steps si Buknoy tulad ng pag twerk sa kalsada habang nirerecord nya ito sa kanyang cellphone. Bago matapos ang video ay tila nag fashion pa ito at proud sa kanyang ginawa.
Umani ng ibat-ibang reaction ang nasabing video n Buknoy.
Ang pagiging isang influencer ay isang mabigat na resposibilidad dahil maraming mga tao lalo na nag kabataan ang nakamasid at gumagaya sa ginagawa nila. Bago natin sabihin na isa tayong influencer mas mabuting alamin muna natin ang mga kinikilos natin kung nakakatulong ba ito o may mga gandang dulot sa iba.